*Cauayan City, Isabela*- Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang pagsasagawa ng Smarter City Activation WorkShop kasama ang League Cities of the Philippines at ang ASEAN Smarter City Council para makabuo ng isang konsepto para sa Smart and Sustainable City.
Katuwang din ng lungsod ang Singaporean Smarter Cities Network Chairman na si Mr. Kok-Chin Tay ,Department of Science and Technology(DOST) at ang Isabela State University sa pagbuo ng mahahalagang konsepto.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cuayan kay City Mayor Bernard Dy, sakaling matapos ang nasabing framework ito aniya ang gagamitin bilang modelo ng Pilipinas partikular sa 145 na lungsod sa bansa na target aniya na mapalawak ang programa ng lungsod.
Bukod dito, patuloy naman ang pagbisita ng ibat-ibang siyudad sa bansa upang magsagawa ng benchmarking sa ilalim ng Smarter City Program.
Ilan na rin sa mga bagong halal na alkalde ang nagpapahiwatig ng kanilang interes sa pagkuha ng mga ideya patungkol sa bagong teknolohiya para maging Smart City.