Dudulog na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Sonshine Media Network International o SMNI.
Ayon kay Atty. Mark Tolentino, isa sa mga abogado ng SMNI, maghahain sila ng petition for review sa tanggapan ng pangulo kaugnay sa mga isyung kinakaharap ng network.
Kabilang na rito ang ipinataw na indefinite suspension ng National Telecommunications Commission (NTC) at ang pagbasura ng Movie And Television Review And Classification Board o MTRCB sa apela nila na bawiin ang suspensyon sa dalawang TV programs.
Ayon kay atty Tolentino, natanggap nila kahapon ang desisyon ng MTRCB at inasahan na nila ang pagbasura rito.
Sa ngayon aniya ay sinusubukan lamang nila ang lahat ng posibleng remendyo at kabilang dito ang paglapit kay Pangulong Marcos sa susunod na linggo.