Smuggling ng gulay sa bansa, pinaaksyunan na sa Kamara

Pinakikilos ang Mababang Kapulungan ng Kongreso laban sa “smuggling” o pagpupuslit ng mga imported na gulay at iba pang produktong agrikultural sa bansa.

Sa House Resolution 2282 na inihain ni Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat ay tinukoy ang patuloy pa rin na smuggling ng mga imported na gulay tulad na lamang ng nasabat na mga gulay ng Bureau of Customs na nagkakahalaga ng ₱160 million.

Ang mga smuggled vegetable ay karaniwang nagmumula umano sa China.


Babala ng kongresista sa publiko na may dalang panganib ang smuggled items dahil hindi ito dumaan sa standard phytosanitary inspection.

Hiniling sa resolusyon na mas paigtingin pa ang kampanya laban sa ilegal na pagpasok ng mga produkto lalo na sa mga daungan.

Pinapaimbestigahan ng mambabatas ang nasabing problema para makabuo ng mga batas na sisigurong mawawakasan na ang smuggling ng gulay sa bansa.

Facebook Comments