Smuggling, pangunahin pa ring problema sa sektor ng agrikultura

Smuggling pa rin ang nangungunang problema sa sektor ng agrikultura na nakaaapekto sa pagtaas ng presyo ng mga produkto.

Sa panayam ng DZXL News, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na sa ngayon ay wala naman silang nakikitang malaking epekto ng kaguluhan sa Israel at Iran sa presyuhan ng produkto.

Gayunman, kapag tumaas aniya ang presyo ng petrolyo, nakaaapekto ito sa pagluluwas ng produkto na maaaring magtulak para tumaas ang presyo nito.

Kinumpirma naman ni Asec. De Mesa na pinag-aaralan pa ang planong maximum suggested retail price sa bawang at sibuyas.

Kasabay nito, nagbabala si Asec. De Mesa sa publiko sa pagbili ng mga imported na sibuyas matapos matuklasan na kontaminado ng e-coli bacteria ang nasabat na imported onions sa pamilihan sa Maynila.

Facebook Comments