Snooky Serna, nakasungkit ng dalawang major awards sa 11th International Film Festival sa New York

52

Nakasungkit ng dalawang major awards ang aktres na si Snooky Serna sa 11th International Film Festival Manhattan sa New York.

Kabilang dito ang jury award para sa Best Performance at ang Best Actress awards.


Ito ay dahil sa kaniyang pagganap sa pelikulang “In The Name of The Mother” bilang isang ina na may tatlong anak at asawang abusado.

Emosyonal naman ang aktres at sinabing dream come true ito para sa kaniya.

Si Snooky Serna ang kauna-unahang aktres na nakatanggap ng dalawang major awards sa International Film Festival.

Facebook Comments