Sumungkit ng world record ang isang snow crab na naibenta sa halagang ¥5 milyon (P2.3 milyon) sa Japan kahapon, Nobyembre 7.
May bigat na 1.24 kg at may habang 5.7 pulgada ang “five shining stars” na alimangong nahuli nang magsimula na ang panahon ng pangingisda nitong Martes sa Tattori.
“We came to this year’s first auction hoping that we would bid the world’s highest price again,” pahayag ng opisyal mula sa waging bidder, Kanemasa Hamashita Shoten.
“I believe it is a good crab filled with meat,” dagdag niya.
Sa subasta noong nakaraang taon, ang nasabing bidder din ang nakabili ng snow crab sa halagang ¥2 milyon na naitala sa Guinness World Records bilang pinakamataas na halagang ibinayad para sa isang alimango.
Plano ng Kanemasa Hamashita Shoten na ipagbili ang alimango sa isang restawran sa Ginza shopping disrict sa Tokyo.
Samantala sa Shinonsen, katabing bayan, mayroon ding naibentang snow crab na may bigat na 1.2 kg sa presyong ¥3 milyon nitong Miyerkules.