Kinumpirma ng Comelec na magkakaroon ng 1.1- million na sobrang balota sa ini-imprenta ng poll body.
Gayunman, nilinaw ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang naturang mga sobrang balota ay gagamitin sa final testing and sealing process ng Comelec.
Habang ang iba pang balota ay gagamitin aniya bilang demonstration ballots para sa mga roadshow at demonstration ng paggamit ng vote-counting machine o VCM.
Sa datos ng Comelec, umaabot sa 61.8 million ang mga rehistradong botante para sa May 13 elections.
63.6-million naman ang kabuuang balota na target i-imprenta ng poll body.
Facebook Comments