SOCIAL JUSTICE | Alamin ang kakaibang parusa sa mga tamad, sinungaling at magnanakaw na politiko sa Bolivia

Bolivia – Isang mayor sa San Buenaventura, Bolivia ang pinarusahan ng mga mamamayan doon sa pamamagitan ng tinatawag nilang “social justice”.

Sa ilalim ng traditional punishment, iniipit ang mga paa ng tamad o tiwaling politiko sa medieval restraining device.

Kwento ni Mayor Javier Delgado, nagpunta siya sa lugar para sa inagurasyon ng ipinagawa niyang tulay pero ang mga inaakala niyang sasaksi sa aktibidad bigla siyang hinila at inilagay sa naturang wooden stocks.


Sabi ng isang residente na si Daniel Salvador, pinarusahan nila si Delgado dahil sa hindi pagtupad sa kanyang trabaho at pagsisinungaling.

Pero giit ng mayor, nabiktima lang daw ang mga residente ng paninira sa kanya ng mga nasagasaan ng kanyang proyekto.

Matapos na makaalis sa medieval restraining device, nagdesisyon ang mayor na manirahan muna sa kabilang bayan para makaiwas sa gulo.

Nabatid na mahigpit na pinaiiral ng mga tao sa nasabing bayan ang three basic principle nila na “ama Ahuilla, Ama Llulla, Ama Suwa” na ang ibig-sabihin ay “Do Not Be Lazy, Do Not Be A Liar, Do Not Be A Thief”.

Facebook Comments