Inihayag ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) simula sa susunod na taon, tuwing ikatlong buwan na ilalabas nila ang Social Pension ng indigent senior citizens sa halip na anim na buwan na kasalukuyang schedule.
Ayon sa DSWD bawat benepisyaryo ay tatanggap ng kanilang Php500-buwanang pension kada quarter na may kabuuang halaga na Php1,500 alinsunod sa DSWD Memorandum Circular No.16.
Paliwanag ng DSWD ang social pension ay ibibigay sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng cash pay-out.
Ito ay pangangasiwaan ng special disbursing officers ng DSWD sa pakikipag-ugnayan sa kani-kanilang Local Government Units.
Facebook Comments