Prayoridad mabigyan ng benepisyo ang mga indigent senior citizen sa Dagupan City sa ilalim ng bagong panuntunan ng Social Pension Program.
Kahapon, Marso 5, nagsagawa ng orientation ang Department of Social Welfare and Development kasama ang mga presidente ng Barangay Senior Citizens Association upang ipaliwanag ang proseso ng pagpili ng benepisyaryo para sa 2026.
Tinalakay sa pulong ang paggamit ng National ID at Serbisyo App, implementasyon ng quarterly payout sa pamamagitan ng fund transfer, at ang pagpapalit ng mga benepisyaryo kung kinakailangan.
Ayon sa mga opisyal, layunin ng programa na matiyak na ang mga kwalipikado at higit na nangangailangang senior citizen ang mabibigyan ng tulong pinansyal para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







