Solano, Mayroon na lamang 3 Active Cases ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Bumaba na lamang sa tatlo (3) ang active cases ng COVID-19 sa bayan ng Solano sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, tatlo na lamang ang natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa Solano mula sa 275 na naitalang total confirmed cases kung saan tig isa na lamang sa barangay Bangaan, Osmeña at Quirino.

Sa kasalukuyan ang bayan ng Solano ay mayroong 275 na kabuuang kaso ng COVID-19, 263 recoveries at siyam (9) na nasawi.


Ang lalawigan naman ng Nueva Vizcaya ay mayroong 616 na total confirmed cases, labing anim (16) na active cases, 580 recoveries at dalawampung (20) nasawi.

Facebook Comments