Solano Public Market, Mananatiling sarado dahil sa Pag-akyat ng COVID-19 cases

Cauayan City, Isabela- Nananatiling sarado ang pamilihang bayan ng Solano sa lalawigan ng Nueva Vizcaya dahil sa patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19.

Ayon sa ulat ni Mayor Eufemia Dacayo, ilan sa pinaniniwalaang posibleng pinagmulan ng mga nagpopositobo sa sakit ay pawang mga vendors, manggagawa o empleyado at mga namimili sa public market.

Una nang inirekomenda ng Regional Inter-Agency Task Force ang pansamantalang pagpapasara ng pamilihang bayan upang magsagawa ng mga hakbang sa disinfections at maihanda ang mga vendors at manggagawa sa schedule ng gagawing testing para sa kanila.


Samantala, kinumpirma naman ni Provincial Health Officer Dr. Edwin Galapon, ang ika-8 COVID-19 death case ngayong araw sa probinsya sa katauhan ni CV 836 na isang 54-anyos na lalaki mula sa Barangay Poblacion North sa bayan ng Solano na namatay sa Region 2 Trauma and Medical Center.

Nakaranas ng sintomas ng virus gaya ng pag-uubo at hirap sa paghinga nitong August 24 ang pasyente at isinailalim sa swab test ng August 31 hanggang sa lumabas ang resulta nitong September 2 na positibo ito sa virus.



Facebook Comments