Cauayan City, Cauayan- Tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Luna ang nasa P5.7 million halaga ng Solar Powered Irrigation System (SPIS) mula sa Department of Agriculture Region 2 na itinayo sa Brgy. Canao.
Ayon sa pahayag ni Mayor Jaime Atayde, nagpapasalamat siya sa ahensya para sa proyekto na tiyak na makikinabang ang mga magsasaka sa kabila ng makakabawi na rin ang mga ito dahil sa mababang presyo ng bentahan ng palay sa mga nakalipas na anihan.
Aniya, isa rin ang irrigation project sa mga magagandang proyekto ng kagawaran.
Kaugnay nito, hinihikayat naman ni Regional Executive Director Narciso A. Edillo ng DA-Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) ang mga magsasaka na palawigin ang paggamit ng irrigation facility.
Tiniyak naman ni Ginang Pilar Cabacungan, Presidente ng Small Water Irrigation System Association na aalagaan upang mapanatili ang operasyon ng nasabing pasilidad.
Natapos ang nasabing proyekto noong buwan ng Hunyo 2019 ay may lawak na 22 ektarya.