Isasailalim sa Rehabilitasyon ang Solar Powered Irrigation System sa Mangaldan kung saan makatutulong sa mga magsasaka sa kanilang patubig sa mga taniman.
Nagsagawa ng site visit ang tanggapan ng Department of Agriculture Regional Agricultural Engineering Division (DA-RAED) Region 1 sa Barangay Inlambo nitong Biyernes bilang pagtitiyak sa pagsisimula ng naturang proyekto.
Nagkaroon rin ng dayalogo kasama ang mga organisasyon at asosasyon ng mga magsasaka sa bayan upang ipaliwanag ang naturang proyekto at iba pang dapat na linawin ukol dito.
Ilan sa isasagawang rehabilitasyon ay pagsasaayos ng sump pump na nagpapadaloy ng tubig papunta sa mga sakahan, pagtatayo ng stone masonry, pagkakaroon ng mga bagong submersible pump at iba pang kagamitan na magpapagaan at mabebenipesyuhan ang mga magsasaka at kanilang sakahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨