Problema ngayon ng ilang magsasaka ng kamatis sa San Jacinto, Pangasinan ang mababang farm gate price.
Ayon sa ilang magsasaka sa bayan sinabing, pahirapan ang pagbawi ng kanilang ipinuhunan dahil sa bagsak presyo ng kamatis.
Sa ngayon nasa,tatlong piso hanggang anim na piso ang farm gate price ng kada kilo ng kamatis sa bayan.
Sa mga pamilihan sa Pangasinan sumasadsad na ang presyo nito sa sampu hanggang kinse pesos kada kilo.
Ilang tindera rin ang nagsabing upang hindi masayang ang kanilang benta dahil sa oversupply ay IPINAMIMIGAY na lamang nila ito.
Sa ngayon, umaasa ang ilang magsasaka sa lalawigan na tutugunan ng pamahalaan ang mababang farm gate price ng kamatis.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments