Solar powered streetlights planong ipalit sa sodium lights ng Surigao City Ito ang binigyangdiin ni Jupiter Dotillos, ang namumuno ng Gen. Services Office ng Surigao City. Tinukoy nito, umaabot sa P523,000 ang binabayad ng gobyerno sa buwanang konsumo sa streetlights sa Brgy. Washington at Taft pa lamang, hindi pa kasali ang ibang barangay. Ayon kay Dotillos makakatipid sa babayarang kuryente ang Surigao City kung magiging solar powered ang mga streetlights. Bagama’t sa umpisa, gagastos ang pamahalaan sa mahigit P19 million para sa solar panel, battery, poste, accessories at lights ngunit pangmatagalan na itong magagamit. Sa naurang proposal, planong ipapatawag ng Sangguniang Panlungsod ang mga expierto sa solar energy kasama na rin ang posibleng pagbisita sa Bacolod City na kung saan matagumpay na gumagamit sa solar powered streetlights.
Sent from my iPhone