Solenn Heussaff, nag-transform bilang Paolo Ballesteros

Trending ngayon ang singer-Actress na si Solenn Heussaff dahil sa kanyang make-up transformation bilang Paolo Ballesteros.

Kilala ang aktor na si Paolo Ballesteros sa kanyang talento hindi lamang sa pag-arte at pagho-host kundi na rin sa kanyang mga make up transformation sa iba’t ibang sikat na mga celebrity sa loob at labas ng bansa.

Sa Youtube vlog ni Solenn, makikita kung paano sinubukang gayahin ng aktres ang mukha ni Paolo.


Sa kanyang Instagram post ipinarating ng aktres ang lubos na paghanga sa dedikasyon at talento na meron si Paolo at sinabing, “I paint and I do make up, but transforming a face into another is probably the most difficult art haha. I appreciate Paolo’s work even more now. Respect!!!!”

Facebook Comments