Solo parents at PWDs sa Navotas, nakatanggap ng ayuda

Nakatanggap na rin ng ayuda ang mga solo parents at Persons with Disabilities (PWDs) sa Navotas City.

Ito ay bunsod na rin ng pagpayag ng Department of Social Welfare and Development- National Capital Region (DSWD-NCR) na ma-realign ang pondo ng lungsod para sa Gender and Development Fund ng 2021.

Sinimulan ang pamamahagi ng ayuda sa mga rehistradong solo parents at PWDs nitong Huwebes at magtatapos bukas, May 22.


Ang ayudang aabot sa ₱3.2 million ay ipamamahagi sa 2,690 na PWDs at 592 solo parents sa lungsod.

Nilinaw naman ng Navotas City Local Government Unit (LGU) na ang tulong pinansyal ay para lamang sa mga hindi nabigyan ng ayuda sa ilalim ng Special Amelioration Program (SAP) ng Bayanihan 1, Bayanihan 2, at waitlisted o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Facebook Comments