“Hi idol. Lunes na lunes, stressed ako kaya makikinig na lang ako sa iFM para matanggal stress. Manghihingi sana ako ng payo kung paano ba ko makakaiwas sa sobrang lungkot kasi kapapanganak ko lang. Parang kahit maliit na bagay, naiiyak na agad ako. Konting problema lang, hindi ko na maiwasan ang mag-isip ng mag-isip. Nahihirapan na ako pati mister ko. Buti na lang, kahit papano, mahaba naman pasensya niya saken. Please help, idol.” *-Mary Jane ng Cubao*
Marahil ay post partum depression ang kanyang nararanasan, ang sobrang lungkot pagktapos manganak.
*Tip ni Nikka para sa mga posibleng nakakaranas ng post partum depression*
1. Be positive everyday! Tignan at gawing inspirasyon para sumaya si baby.
2. Lambingin at magpalambing sa mister. Ngayon mo lalong kailangan ang suporta ng iyong asawa kaya ilabas mo sa kanya ang lahat ng nararamdaman mo.
3. Makatutulong ang pageehersisyo para mawala ang iyong lungkot.
4. Magkaroon ng support system. Pwede itong maging asawa o iyong mga kaibigan o maaaring doktor. Kailangan mo sila lalo na’t nakararamdam ka ng matinding kalungkutan o isolation.
Follow us on:
*FB:* *iFM Manila:* www.facebook.com/93.9ifmmanila/ *Nikka Loka: *https://www.facebook.com/djnikkaloka939
*Twitter: * https://twitter.com/ifmmanila
*Instagram:* instagram.com/ifmmanila
Solusyon para sa sobrang lungkot pagkatapos manganak
Facebook Comments