SOMO | DND at AFP, hindi irerekomenda ang pagpapatupad ng Suspension of Military Operation para sa CPP-NPA ngayong Christmas season

Itutuloy ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang operasyon laban sa komunistang teroristang New People’s Army kahit na sumapit ang panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi siya papayag na makapag diwang ang CPP-NPA ng kanilang 50th Founding Anniversary sa December 26 dahil sa tradisyunal na pagpapatupad ng Suspension of military operation O SOMO tuwing panahon ng kapaskuhan.

Sinabi naman ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, na kahit naman magpatupad ng SOMO ay patuloy pa rin ang CPP-NPA sa kanilang mga terroristic activities na napatunayan na sa mga nakalipas na mga taon.


Matagal na raw alam ng AFP ang pang ta traydor na ito ng mga makakaliwang grupo pero sa pagasang magseseryoso ang CPP NPA sa usapang pangkapayapaan kaya nitong mga nakalipas na taon ay nagpapatupad pa rin sila ng SOMO.

Facebook Comments