SINISILIP | Pattern ng sunod-sunod na pagpatay sa BuCor officials, ini-imbestigahan ng DOJ

Manila, Philippines – Ini-imbestigahan na ng Dept of Justice ang serye ng pagpatay sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor)

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, pinag-aaralan na nila ang pattern ng mga ambush sa BuCor officials.

Sinisilip din aniya nila kung may kinalaman ang pagpatay sa kampanya kontra drug trade sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.


Nitong Lunes, namatay si Chief Insp. Angelito Padilla matapos tambangan sa Poblacion ng Muntinlupa.

Noong Sept 2 , namatay din si BuCor official Insp. Romel Reyes matapos tambangan ng gunmen na nakasakay sa motorsiklo malapit sa Sunken Garden ng NBP.

Facebook Comments