SONA 2018 | EPD 100% nang handa sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Sapat na pwersa ang ipapakalat ng Eastern Police District (EPD) sa lahat ng entry points ng mga militanteng grupo para sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Ayon kay EPD District Director Police Senior Superintendent Bernabe Balba lahat ng EPD personnel na ide-deploy bago at sa mismong araw ng SONA ay handang-handa na.

Sa katunayan ayon kay Balba ang District Mobile Force Battalion na pinamumunuan ni Police Superintendent Cresenciano Landicho ay kasalukuyang sumasailalim sa 5-day Civil Disturbance Management and Refresher Human Rights Seminar na nag umpisa nitong Huwebes, July 12.


Layon ng seminar na ipaalala sa mga myembro ng Civil Disturbance Management contingents na pairalin ang maximum tolerance sa SONA.

Samantala sinabi ni Balba na kahit abala sila sa SONA preparations, tuloy-tuloy pa rin ang ginagawa nilang inteligence gathering at pagmo-monitor ng possible threat sa SONA ng Pangulo.

Facebook Comments