
Nakipagpulong si Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro sa Malaysian Ministry of Foreign Affairs Dato Ahmad Rozian sa Ministry of Foreign Affairs sa Putrajaya, Malaysia.
Pinag-usapan ng dalawang opisyal ang tungkol sa bilateral partnership sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia, lalo na sa mga usaping may kinalaman sa South China Sea.
Nagkasundo ang dalawang bansa sa mga posibilidad ng Bilateral Cooperative Activities na hindi makakaapekto sa posisyon at paninindigan sa pagpapanatili ng peace at stability sa South China Sea.
Napag-usapan din ang ilang humanitarian concern ng mga Pinoy na naninirahan sa Sabah, Malaysia.
Ipagpapatuloy ang 9th Philippines-Malaysia Joint Commission Meeting na gagawin dito sa Maynila ngayong taon.