TV host na si Robi Domingo, dumulog sa NBI

Kinumpirma ng TV host na si Robi Domingo na nagtungo siya sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City kahapon, Pebrero 27.

Nakipagkita si Domingo kay Jerome Bomediano, ang hepe ng NBI-Organized Transnational Crime Division (AOTCD).

Ito ay para pag-usapan ang mga posibleng hakbang na gagawin ni Domingo kaugnay sa isang online interaction sa pagitan ni Domingo at ng isang anonymous account.

Kung saan itinuturing na banta ni Domingo ang mga naging pahayag sa kanya ng isang anonymous account.

Sinabi ni Domingo na natutunan niya na maaari pala magsampa ng reklamo at wala naman itong bayad lalo na kung ang kanyang kaligtasan ay malalagay sa panganib.

Facebook Comments