South Cotabato, niyanig ng magnitude 5 na lindol

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang South Cotabato, alas 3:13 kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang lindol sa siyam na kilometro ng timog-kanluran ng surallah.

May lalim itong siyam na kilometro at tectonic ang pinagmulan.


Naramdaman naman ang Intensity IV sa Surallah, Banga, Tampakan, Tupi, T’boli, at Koronadal City sa South Cotabato.

Gayundin sa Maasim, Alabel, Glan, at Malapatan, Sarangani at General Santos City.

Intensity III naman sa Lake Sebu, South Cotabato at Malungon, Sarangani habang Intensity II sa Maitum sa Sarangani.

Dahil dito, asahan na ang mga aftershock matapos ang pagyanig.

Facebook Comments