Bilang ng mga nagpa-enroll para sa SY 2023-2024, mahigit 21-M na ayon sa DepEd

Pumalo na sa 21,029,531 ang bilang ng mga nag-enroll para sa School Year 2023-2024.

Batay sa Department of Education Learner Information System (LIS), pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,323,943, sinusundan ng National Capital Region na may 2,437,041 at Region III na may 2,394,421.

Ayon sa DepEd, hanggang ngayong araw na lamang ang enrollment.


Maari naman magpatala para sa mag-aaral para sa Alternative Learning System sa Barangay, Community Learning Center o sa mga pampublikong paaralan.

Facebook Comments