South Korea at Estados Unidos, nagsagawa rin ng Joint Missile Drill kasunod ng pagpapalipad ng long-range missile ng South Korea

World – Matapos ihayag ng North Korea na matagumpay ang pagpapalipad ng kanilang long-range missile, nagsagawa naman ngayon ng “Joint Missile Drill”ang mga South Korea at Estados Unidos.

Ayon kay Pentagon Spokesperson Dana White – ito ay upang ipakita ang kapabilidad ng dalawang bansa.

Kabilang sa mga ginamit sa nasabing drill ay ang Army Tactical Missile System o ATACMS at Republic of Korea Hyunmoo Missile II, kung saan ito ay sinubukan sa karagatan ng South Korea.


Facebook Comments