South Korean national na wanted sa kanilang bansa, naaresto ng Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration ang isang South Korean national na wanted sa kanilang bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente – nasakote ang suspek na si sa Duckhwan matapos itong pumunta sa kanilang field office sa Dasmariñas, Cavite upang magpa-extend ng kanyang tourist visa.

Dito na napag-alaman na nahaharap pala ang Korean national sa patong-patong na kaso sa kanilang bansa dahil sa investment scam.


Nagulat naman si sa matapos na matuklasan na inilagay siya sa immigration watch list dahil sa pagiging pugante.

Sa ngayon ay pino-proseso na ng immigration ang mga dokumento nito upang mapadeport sa Seoul.

DZXL558

Facebook Comments