SP Sotto, hindi mag-iinhibit sa pag-upo sa NBOC Congress

Walang nakikitang pangangailangan si Senate President Vicente “Tito” Sotto III para mag-inhibit siya sa pag-preside sa canvassing ng mga boto at pagproklama ng kongreso sa nanalong pangulo at pangalawang pangulo.

Paliwanag ni Sotto, ministerial duty niya ito bilang pangulo ng Senado habang ang kakatawan naman sa Kamara ay si House Speaker Lord Allan Velasco.

Giit ni Sotto, kahit siya ay kandidato sa paka-bise presidente ay hindi makakaapekto sa resulta ng mga boto sa vice-presidential election ang pag-upo niya sa National Board of Canvassers (NBOC) Congress lalo na at agad niyang tinanggap ang pagkatalo ng lumabas sa partial unofficial results na siya ay pangatlo lang.


Ang Senado at Kamara magkakaroon ng joint session sa May 24 para i-convene ang NBOC.

Kabilang sa Senate contingent sina Senators Imee Marcos, Francis Tolentino, Grace Poe, Pia Cayetano, Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senate Majority Leader Migz Zubiri.

Sakaling may hindi makadalo sa kanila ay alternatibo naman sina Senators Sonny Angara, Cynthia Villar at Senate President Protempore Ralph Recto.

Facebook Comments