Bakuna Center ng Philippine Red Cross, bukas na sa gustong mag-walk in para sa 2nd booster shot

45

Inihayag ngayon ng Philippine Red Cross (PRC) na bukas na ang mga “Bakuna Center” nila para sa mga kliyente na nais mag-walk in na kwalipikado na makatanggap ng 2nd booster shot laban sa COVID-19.

Ang naturang hakbang ay bilang pagsuporta sa DOH sa pagbabakuna.

Ayon sa PRC, kabilang sa mga kwalipikdong sa 2nd booster ay mga frontline health services workers at senior citizens.


Dagdag pa ng PRC, sa mga may planong magpa-second booster ay kinakailangang dalhin lamang ang vaccination card at anumang government issued ID.

Base sa datos ng PRC, aabot na sa 1,176,151 doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang naibakuna na ng ahensiya sa mahigit na 372,352 na mga indibidwal na kwalipikado.

Facebook Comments