SP Sotto, inalok ng P20 million ng isang kongresista para sa isang franchise bill

Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III ang isiniwalat ni Senator Panfilo Lacson na noong 17th Congress ay isang kongresista ang nagpadala sa kanyang opisina ng 20-million pesos para sa isang nakabinbing franchise bill.

Sabi ni Lacson at SP Sotto, nagpasya sila na ibalik ang nabanggit na halaga sang-ayon sa kanilang adbokasiya laban sa korapsyon.

Paglilinaw naman ni SP Sotto, ang nabanggit na malaking halaga ay gift o regalo sa kanilang ginawang pagsuporta sa isang panukala pero hindi nila tinanggap.


Ayon pa kay Lacson, binalak nya noon na mag-privilege speeech ukol sa insidente pero nagdalawang-isip sya dahil baka hindi maganda ang maging dating sa mga kapwa senador at baka lumabas siyang pabida.

Sabi ni Lacson, ang ganitong klase ng kalakaran ang dahilan kung bakit nawawalan siya ng gana na tumakbo muli sa pagkasenador.

Facebook Comments