SP Tito Sotto III, tiwalang walang magiging epekto sa liderato ng Senado kung magbabalik na chairman ng Blue Ribbon Committee si Sen. Ping Lacson

Kumpyansa si Senate President Tito Sotto III na walang magiging epekto sa liderato ng Senado ang muling pag-upo ni Senate President pro-tempore Ping Lacson bilang Chairman ng Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Sotto, mismong mga senador sa majority na rin ang may gusto na manatili si Lacson bilang Chairman ng komite kaya wala namang magiging problema

Sinabi ng Senate President na kung sakaling may epekto ay handa naman silang harapin ito.

Dagdag ni Sotto, siya ay nagsisilbi ayon sa kagustuhan ng mga kapwa mambabatas.

Aniya pa, sakali man ay maaaring mas madali ang maging senador kumpara ang maging opisyal.

Matatandaang naging isyu ang panibagong kudeta sa liderato o ang bantang pag-alis ng ilang senador sa mayorya matapos ang naging pahayag ni Lacson na halos lahat ng senador ay mayroong budget insertions sa 2025 national budget.

Facebook Comments