Friday, February 6, 2026

SP Tito Sotto, pinaghahandaan na ang impeachment trial

Naghahanda na si Senate President Tito Sotto III na tumayong presiding officer ng Senate impeachment court sakaling may umakyat sa Senado na articles of impeachment.

Sinabi ni Sotto na kahit hindi siya ang maging presiding officer, bahagi ng kanilang trabaho bilang mga tatayong hukom sa impeachment proceedings na paghandaan at aralin ang rules of impeachment at criminal procedures.

Sa katunayan, nagpa-brief na siya sa dalawang justices ng Court of Appeals at isang taga Court of Tax Appeals kaugnay sa proseso.

Sa tingin din ng Senate president ay naghahanda na rin ang ilang mga kasamahang senador.

Sa kasalukuyan ay mayroong impeachment complaint na nakahain na sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte habang naibasura naman ang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos dahil sa kawalan ng substance sa nasabing reklamo.

Facebook Comments