Spain, nagdeklara ng 10-day mourning period para sa mga nasawi dahil sa COVID-19

Magsasagawa ng 10-araw na pagluluksa ang Spain para sa mga biktima ng COVID-19.

Magsisimula ito ngayong Miyerkules kung saan ilalagay lahat ng bandila sa half-mast bilang pagluluksa sa mahigit 27,000 katao na nasawi dahil sa virus.

Ang nasabing hakbang ay aprubado na sa isinagawang cabinet meeting, kung saan gagawin ito sa pangunguna ni King Felipe VI.


Samantala, umabot na sa higit 5.5 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan higit 2.2 milyon na ang naka-rekober at 350,453 ang nasawi.

Nangunguna pa rin ang America sa pinakamaraming naitalang kaso na sinundan ng; Brazil, Russia, United Kingdom, Spain, Italy, France, Germany, Turkey at India.

Facebook Comments