SPD, nakapagtala ng 400 na indibidwal na lumabag sa ipinapatupad na uniform curfew

Simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga, umaabot na sa 400 na indibwal ang naitala ng Southern Police District (SPD) na lumabag sa ipinapatupad na curfew.

Sa paunang datos ng SPD, nasa 147 ang nahuli sa lungsod ng Makati kung saan may ilang menor de edad na nakasama habang ang iba ay pinauwi na rin ng pulisya.

Umaabot naman sa 226 ang nahuli sa lungsod ng Parañaque habang sa bayan ng Pateros ay nasa 27 ang nahuli at 14 sa kanila ay walang suot na face mask at face shield.


Mismong si SPD Director Police Brigadier General Eliseo DC Cruz ang nag-ikot sa ilang lugar sa Pasay, Parañaque, Makati at Taguig upang masigurong naipapatupad ang uniform curfew.

Nais din ni Gen. Cruz na masiguro na sarado ang ilang establisyimento partikular sa matataong lugar habang tinitiyak niya ang kaayusan at kapayapaan sa lahat ng oras

Facebook Comments