Manila, Philippines – Hinihiling na ni House Speaker Pantaleon Alvarez na buwagin ang Commission on Human Rights.
Sa pagdinig ng pondo ng CHR, kung si Alvarez ang tatanungin, hindi lamang dapat bawasan kundi tuluyang tanggalan ng pondo o i-zero budget ang ahensya.
Nais din nitong tuluyang buwagin o i-abolish ang ahensya dahil unfair umano ang CHR.
Ayon kay Alvarez, hindi patas ang CHR dahil kapag adik o kriminal ang nakakapatay ay parang pasko ang mga ito dahil sa katahimikan na mala-silent night.
Hindi aniya nagagawa ang mandato na pagprotekta sa karapatan ng lahat ng tao dahil namimili ang CHR.
Titingnan muna ni Alvarez kung may paglabag ang CHR at saka nito irerekomenda ang pagtapyas sa budget.
Maaari ding maharap sa impeachment si CHR Chairman Chito Gascon kung hindi nito nagagampanan ang tungkulin pero wala namang balak si Speaker na manguna sa pagpapatalsik dito.