Speaker Alvarez, itinuturing pa rin na act of terrorism ang insidente sa Resorts World

Manila, Philippines – Ikinukunsidera pa rin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na “act of terrorism” ang nangyaring pag-atake sa Resorts World nitong nakaraang Biyernes ng umaga.

Ayon kay Alvarez, sa depinisyon ng terrorism, maituturing na terorista ang gunman sa Resorts World dahil ito ay nagdulot ng karahasan at panganib sa mga tao na naroon.

Bukod dito, nagdulot ng pagkasawi ng maraming inosenteng sibilyan ang ginawa ng nasabing gunman.


Giit pa ni Alvarez, ito man ay miyembro ng isang kilalang terrorist group o lone gunman, ito ay masasabi pa ring terorista.

Dagdag ni Alvarez, hindi dapat ipagdiinan ng mga otoridad na simpleng krimen ang nangyari sa casino dahil magiging relax lamang ang publiko dito.

Sa halip, ay magsilbi aniya ang insidente na wakeup call para mas higpitan pa ng otoridad ang ipinapatupad na seguridad at maging mas alerto ang taumbayan sa kanilang paligid at mga pinupuntahang pampublikong lugar.
DZXL558

Facebook Comments