Manila, Philippines – Para kay Senator Leila De Lima lasing na sa kapangyarihan si Speaker Pantaleon Alvarez.
Pahayag ito ni De Lima, matapos na pagbantaan ni Alvarez si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ipapa impeachment, habang ang mga Court of Appeals naman ay binantaang ipapabuwag at ang mga mahistrado nito ay ipapa disbar.
Ayon kay De Lima, kitang kita kay Alvarez ang istilo ng pamumuno ng Duterte administration na kapag kinokontra ay nagbabanta, nagmumura, nananakot at umaatake.
Para kay De Lima, nakakairita sa pandinig at nakakabahala ang mga pahayag ni Alvarez dahil malinaw na pagbabanta ito sa rule of law at sa demokrasya.
Kaugnay nito ay umaapela si De Lima sa mga miyembro ng hudikatura at sa mga mambabatas sa mababang kapulungan na huwag konsintihin ang mga nais mangyari ni Alvarez.
“Speaker Pantaleon Alvarez must be drunk from all the power… Typical of the so-called “leadership” style of this administration, when faced with opposition, his reaction was to lash out, curse and threaten… ” bahagi ng batikos ni Sen. De Lima kay Speaker Alvarez.