Faulty electrical wiring, pinaniniwalaang sanhi ng sunog sa Muntinlupa City

295

Manila, Philippines – Umaabot sa walong mga bahay ang nadamay sa sunog kanina sa Barangay Buli,Muntinlupa City.

Alas sais kinse nagsimula ang naturang sunog kaninang umaga at bago mag-alas siete ay ideneklara na itong fire out ng Muntinlupa Fire Department.

Pinaniniwalaang faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na nagsimula sa tahanan ng pamilya Lonzame.


Ayon sa mga bumbero, dikit-dikit ang mga bahay at pawang gawa sa light materials kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Umabot ang sunog sa ikatlong alarma at wala namang napaulat na nasaktan sa insidente.

Facebook Comments