Martial Law sa Mindanao, magpapatuloy lang ayon kay Pangulong Duterte

227

Manila, Philippines – Wala pang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang Martial Law sa buong Mindanao.
Ito ay bahagi ng mensahe ni Pangulong Duterte sa mga sundalo sa Mindanao kung saan sinabi ng Pangulo na buo ang suporta ng kanyang Administrasyon sa mga nakikipagbakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay maging metatag ang lahat ng mga taga Mindanao dahil magpapatuloy parin ang Martial Law sa Mindanao upang epektibong labanan ang patuloy nab anta ng Terorismo at Insrugency sa lugar.
Ito naman ay sa harap ng inaasahang paglalabas ng korte suprema ng kanilang desisyon sa petisyon laban sa Martial Law sa Mindanao kung saan lumalabas naman sa balita na kakatigan umano ito ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema.
Matatandaan na kahapon ay sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na umaasa siyang kakatigan ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao upang malabanan ang Terorismo at iba pang kalaban ng gobyerno doon.

Facebook Comments