Pumalag si House Speaker Alan Peter Cayetano sa pagkwestyon kung bakit sa Department of Foreign Affairs (DFA) inilaan noon ang budget para sa 2019 SEA Games.
Depensa ni Cayetano, siya ang Foreign Affairs Secretary noong panahon na inaprubahan ang budget kaya ito nailagay noon sa ilalim ng kanyang ahensya.
Sinabi pa ni Cayetano na ang numero unong kritiko ngayon ng SEA Games na si Senator Franklin Drilon ay hindi naman kinwestyon noon ang paglalagay sa DFA ng budget ng sports event.
Dapat aniya ay noon pang deliberasyon sa komite ng 2019 budget kinuwetsyon ito at hindi ngayon.
Hinala ni Cayetano ang ginagawang pag-iingay ngayon ng mga kritiko ng SEA Games ay may layong siraan at i-discredit ang pamahalaan sa international community.
Nagbanta naman si Cayetano na isisiwalat niya ang lahat ng kaniyang mga nalalaman pagkatapos ng SEA Games at nagbanta na kakasuhan ng PHISGOC ang mga ito.