Speaker GMA, no comment sa mga kandidatong inendorso ni Mayor Sara Duterte sa pagka-house speaker

Manila, Philippines – Iwas at ayaw magkomento ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo patungkol sa dalawang kandidato na ini-endorso ni Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-house speaker sa 18th Congress.

Lumutang ang mga pangalan nila dating Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez at Marinduque Representative Lord Allan Velasco na susunod na magiging house speaker matapos na i-endorso ito ni Mayor Duterte sa kampanya.

Paliwanag ni Arroyo, wala na siya sa susunod na Kongreso kaya ayaw na niyang magkomento dito.


No comment din si Speaker Arroyo kung may susuportahan ito sa speakership sa susunod na Kongreso.

Mas magiging abala na si Arroyo sa kanyang pribadong buhay at pagsusulat ng talambuhay sa oras na matapos na ang termino sa 17th Congress ngayong Hunyo.

Matatandaang si Mayor Sara ang sinasabing nasa likod ng pagpapatalsik kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez na pinalitan ni Arroyo.

Facebook Comments