Nangako si House Speaker Lord Allan Velasco sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte na aaprubahan ang mga panukala na kinakailangan at makatutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino kasunod ng oath-taking nito sa Palasyo ng Malakanyang kagabi.
Tiniyak ni Velasco sa Pangulo na maaasahan nito ang Kamara sa pagbuo at pagtupad sa mga pangako nito bago matapos ang termino sa 2022.
Susunod din aniya ang Mababang Kapulungan sa hakbang ng Punong Ehekutibo na wakasan ang korapsyon at protektahan ang interes at kapakanan partikular na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs), manggagawa, magsasaka at mga mangingisda.
Isang private ceremony para sa oath-taking ni Velasco ang ginanap kagabi sa Rizal Hall ng Malakanyang kung saan sinabayan ito ng ika-43 kaarawan ng kongresista at halos isang buwan na rin mula ng maupo itong Speaker ng Mababang Kapulungan.