Special envoy to the Middle East Roy Cimatu, pinakokontak na ang may kaanak sa Iraq para sa gagawing forced evacuation

Manila, Philippines – Umapela si Special Envoy to the Middle East Roy Cimatu sa mga pamilya ng mga Pilipino sa Iraq na kontakin na ang kanilang mga kaanak upang makapaghanda sa ipatutupad na forced evacuation.

Aminado si Cimatu na isa sa pinakahamon sa paglilikas ay ang pagtukoy sa mga Pilipino na nanatiling undocumented.

Mayroong 1,190 documented at 450 undocumented na Pilipino sa Iraq.


Sa Cabinet meeting, inirekomenda ni Cimatu kay Pangulong Rodrigo Duterte ni Cimatu na itaas na sa alert level 4 ang paghahanda sa Iraq dahil sa namumuong tensyon.

Nangangahulugan na gagawin nang puwersahan ang paglilikas sa mga Pilipinong posibleng maipit sa sandaling sumiklab ang giyera.

Sa ngayon ay nasa alert level 3 sa Iraq na ang ibig sabihin ay voluntary repatriation ang ipatutupad.

Ayon kay Cimatu, kinakailangan nang ilikas ang mga Pilipino sa Iraq dahil posibleng maging target ito ng atake.

Nakatakdang bumiyahe si Cimatu patungong Qatar sa loob ng 48 hours.

Sa kaniyang pagharap sa media sa DENR Central office, ipinakita pa ni Cimatu ang akda niyang aklat na may pamagat na “out of harm’s way” na nagdedatalye ng ginawa niyang evacuation plan sa US-Iraq war noon.

Facebook Comments