Special Investigation Task Group “ESPINO JR” binuo kaugnay sa pananambang sa dating gobernador ng Pangasinan

Binuo ng Pangasinan Provincial Police Office ng isang task force na Special Investigation Task Group “ESPINO JR” na mangunguna sa pag imbestiga ukol sa nangyaring pananambang at pamamaril kay dating Governor at dating 5th District Congressman Representative ng Pangasinan na si Amado Espino at sa mga body guards nito sa Magtaking-Ilang road San Carlos City.

Agad na ikinasa ang dragnet operations at checkpoints na pagreresulta sa pagrekober sa sasakyan na ginamit ng mga suspek na naglalamn ngf mga de kalibreng mga baril.

Mayroon ng tinitigna na person of interest ang PNP Pangasinan kaugnay sa nangyaring pananambang. Nangangangalap na din ang mga ito ng mga saksi at maging ang mga CCTV malapit sa pinangyarihan ng insedente.
Dead on the spot naman ang isa mga body guards nito na kinilalang si Police Staff Sergeant na si Agapito Quezon habang sugatan ang apat na iba kabilang ang dating gobernador.


Ayon naman kay Police Col. Redrico Maranan na ito ay agad nilang tinutukan dahil ayon sa kanya na walang puwang ang karahasan at krimen sa lalawigan.

Facebook Comments