Plano ngayon ng Department of Health (DOH) na magtayo ng special lanes o green lanes para sa swab test ng umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs).
Hangad ng DOH na mapabilis ang paglabas ng resulta ng swab test ng mga umuuwing OFW.
Nabatid na nakarating sa tanggapan ng DOH ang mga reklamo ng mga OFW na natatagalan ang paglabas ng resulta ng kanilang RT-PCR test.
Dahil dito, nauubusan ng panahon ang mga OFW sa kanilang pananatilli sa quarantine facilities sa halip na makauwi na sana agad sa kani-kanilang tahanan.
Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, nakikipag-usap na sila sa mga laboratoryong gumagawa ng testing para mabigyan ng prayoridad ang mga OFW.
Umaasa ang DOH na sa ganitong paraan ay magiging mabilis ang proseso ng paglabas ng resulta ng swab test at matukoy na rin agad kung sino-sino ang nahawaan ng virus.