*Cauayan City, Isabela- *Idineklara bilang Special non-working day ngayong araw, September 10, 2019 sa buong Lalawigan ng Quirino bilang paggunita sa “Araw ng Quirino” sa ika-48th ng Panagdadapun Festival.
Ito’y sa pamamagitan ng pinirmahang proklamasyon 807 ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan ay walang pasok sa lahat ng pribado at publikong tanggapan ng gobyerno sa Lalawigan ng Quirino.
Ayon kay Governor Dax Cua, layunin nito na makiisa at masaksihan ng mga Quirinians ang mga huling kaganapan at aktibidades sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Araw ng Quirino.
Nagsimula ang naturang selebrasyon nitong September 06 at ngayong huling araw, September 10 ay isasagawa ang grand parade at street dance na gaganapin sa Provincial Sports Complex, Cabarroguis, Quirino.