Nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng special non-working days sa ilang lugar sa bansa para sa kani-kanilang pagdiriwang.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1207, walang pasok sa Tarlac City sa April 20 para sa ika-28 Charter Anniversary nito.
Sa Proclamation No. 1208, wala ring pasok sa April 20 sa Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya kaugnay ng kanilang founding anniversary.
Samantala, sa ilalim ng Proclamation No. 1209, walang pasok sa April 23 sa Plaridel, Bulacan bilang paggunita sa makasaysayang “Battle of Quingua” o ang giyera sa pagitan ng Amerika at Pilipinas kung saan nanalo ang puwersa ng mga Filipino sa pangunguna ni General Gregorio del Pilar.
Ayon naman sa Proclamation No. 1211, wala ring pasok sa April 25 sa buong probinsya ng Nueva Ecija para sa kanilang founding anniversary.










