Saturday, May 16, 2026

DTI, inilunsad ang tatak Pinoy Expo 2026 sa Pasay City

Inilunsad ngayong ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “Tatak Pinoy Proudly Filipino Expo 2026.”

Ayon sa DTI, Layon ng flagship program ng kasalukuyang administrasyon na palakasin, gawing makabago at gawing globally competitive ang mga lokal na industriya sa Pilipinas.

Ang Tatak Pinoy Proudly Filipino Expo 2026 ay mag-uumpisa sa Mayo 25 hanggang 27 sa SMX Convention Center Manila.

Tampok dito ang iba’t ibang pangunahing sektor tulad ng information technology at business process management food at agro-processing, semiconductors, electronics, automotive at electric vehicles, pharmaceuticals, defense manufacturing, at construction materials.

Maliban dito, magkakaroon din ng industry showcases, product demonstrations at information sessions.

Ito ay may kaugnayan sa mga programa ng pamahalaan para sa MSMEs at iba pang lokal na negosyo.

Facebook Comments