Spokesman ng PhilHealth, arestado sa reklamong cyber libel

Inaresto ng Pasig City Police ang tagapagsalita at Senior Manager for Corporate Communications ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Rey Baleña.

Ito’y dahil sa reklamong cyber libel laban kay Baleña na inihain sa Cebu City.

Sa isang panayam kay Pasig City Police Chief Colonel Moises Villaceran Jr., dinakip ng kaniyang mga tauhan ang Spokesman ng PhilHealth malapit sa City State Center building sa may bahagi ng Shaw Boulevard.


Ayon kay Villaceran, may standing warrant of arrest sa kasong cyber libel si Baleña na inilabas ni Judge Ramon Daomilas Jr. ng Cebu City.

Wala pa naman anumang detalyeng inilabas sa hinggil sa reklamo laban kay Baleña na parte ng kaniyang trabaho bilang Corporate Communication Senior Manager ang maging tagapagsalita ng PhilHealth na nasasangkot ngayon sa iba’t ibang isyu dahil sa alegasyon ng korupsyon.

Nasa ₱30,000 ang piyansa ni Baleña na inaasahang ngayong araw aasikasuhin upang makalabas na rin agad kung saan inihayag pa ni Villaceran na ang pagkaka-aresto sa kaniya ay bunsod na rin ng impormasyong natanggap National Capital Region Police Office (NCRPO) na nananatili ito sa Novaliches, Quezon City at madalas na makita sa Shaw Boulevard kung saan head office ng PhilHealth.

Facebook Comments